"The Palace of the Lost City"
Ano nga ba ang Aprika? Ang Aprika ay ikalawa sa pinaka malaking
kontinente na sumunod sa Asya. Noon pa man, kilala na ang mga tao sa
aprika bilang walang kwenta. tinatawag din silang alipin, at ang mga
babae naman ay tinatawag na "mga babaeng mababa ang
lipad" o prostitute sa
ingles. Ngunit nang dahil kay Nelson Mandela, nabago ang lahat.
Ang panitikan ng Aprika ay isang napakalawak na pinitikan. Kung
tutuusin, ito ay pinag aaralan ngayon sa iba't ibang panig ng daigdig sa
kadahilanang malaki ang naiambag nito sa kasalukuyang panahon.
![]() |
Nang dahil sa kanya, nagkaroon ng inspirasyon ang ibang mga
manunulat na sumulat ng akda upang maipahayg ang kanilang saloobin tungkol sa
diskriminsyon na natatamasa nila at para na din maipaglaban nila yung karapatan
na maging malayo sa ano mang uri ng diskriminasyon o pananamantala. Ang mga
halimbawa ay ang mga ss:
- Isang Dahon sa Hangin- Isinulat ni Bernard
Binlin Dadie. Naging bahagi ng kilusan para sa kalayaan ng kanyang bayan.
Ang kayang akda ay tungkol sa diskriminasyon na natatamsa ng mga
katulad nyang Aprikano.

- Ang
Batang Tindero ng Matamis na Beet-
Isinulat ni Samad Behrangi. Ito ay tungkol sa kultura ng
pagpapakasal sa Iran.

- Isa Akong Aprikano- Ito ay isang talumpati ni Thabo Mbeki. Ito ay tungkol sa diskriminasyon na tinatamasa ng mga Aprikano na para sa akin ay hindi naman dapat nila natatamasa. Ayon kay Mbeki, "Alam ko ang lahat ng ito, at alam ko ang katotohanan dahil ako'y isang Aprikano" kung saan tinutukoy nya ang mga nakikita nya at nararanasan na pang aabuso sa mga Aprikano na kung tutuusin ay di naman dapat nila natatamsa ano pa man ang kanilang kulay, kasarian, atbp.
Ilan lamang ang mga yan sa mga
akda na sikat di lamang sa Aprika ngunit pati na rin sa ibat ibang bansa. Ang
Aprika ay isang napakaganda at napakalawak na kontinente. Ang
aprika din ay may kakaibang kultura na dapat ingatan at pahalagahan. ngunit
dahil sa tingin ng iba sa kanila, mas pumapasok sa isip nating lahat na "panget
sa Aprika dahil ganito ang mga tao dito...ganyan ang mga tao diyan...".Dapat
matuto tayo na galangin at huwag abusuhin ang mga Aprikano maitim man sila,
pango o kahit ano pa man ang kanilang hitsura at katangian. Sapagkat, lahat
tayo ay inilikha na kawangis ng Panginoon. Isipin natin na may damdamin pa din
sila, paano kung sayo iparanas ang ganong uri ng pang aapi, matutuwa ka
ba?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento